cart0

Home Decorating Tips

island paints lead free products

Home Decorating Tips

Bakit Dapat Pumili ng House Paints na Lead-Safe Certified?

Posted on July 14, 2025

Isa sa mga inaabangang hakbang sa isang proyekto ay ang pagpili ng kulay ng house paints na gagamitin para sa dingding o kisame. Marami ang nae-engganyo sa prosesong ito dahil sa dami ng kulay at finish na pagpipilian para maisakatuparan ang kanilang disenyo o idea.

Pero bago ka pumili at bumili ng pintura, tandaan na hindi pantay-pantay ang pagkakagawa sa mga produktong mabibili sa merkado. Mayroon kasing mga pinturang may bakas pa ng lead, isang substance na matagal nang ikinababahala ng mga eksperto dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.     

Sa kabutihang palad, may mga lead-free paints na pwedeng-pwedeng gamitin kapag ika’y magtatayo ng bahay o magsasagawa ng renovation. May mga produkto mula sa Island Premium Paints na Lead-Safe certified na at makakatulong sa pagbibigay kaligtasan at peace of mind para sa iyong pamilya.

Lead Safe Certification: Ano ang Ibig Sabihin Nito?

Kapag nakakita ka ng isang produktong may Lead Safe Paint (LSP®)  Certification na ipinagkaloob ng SCS Global Services, ikaw ay nasa tamang landas. 

Para masabing Lead-Safe certified ang isang produkto, kailangan nitong sumailalim sa third-party testing para masiguradong hindi tataas sa 90 parts per million (ppm) ang lead content nito. Ang halagang ito ay base sa mga alituntuning itinakda sa United States National Drug Administration Act 2013-24 o ang Chemical Control Order (CCO), at sa United Nations Model Law and Guidelines para sa Regulation of Lead Coatings.

Noong Disyembre 2024, opisyal nang nabigay ng SCS Global Services ang Lead Safe Paint (LSP®) Certification ang mga produkto na ito mula sa Island Premium Paints:

Ang produktong pumasa sa LSP® Certification ay may tatak o seal sa packaging nito. Makakatulong ito para madaling makilatis ang kalidad ng produkto at para malaman kaagad kung may lead ba ito. 

Dahil dito, mas mapapanatag ang loob mo dahil alam mong walang bahid ng lead ang produkto at hindi ito magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan mo at ng inyong pamilya.

Bakit Mahalaga ang Lead-Safe Products Para sa Isang Proyekto?  

Upang masagot ang tanong na ito, mahalagang maunawaan muna ang negatibong epekto ng lead. Ito ay isang naturally-occuring element na matatagpuan sa lupa, tubig, at hangin. Maaari rin itong gamitin upang gumawa ng mga produkto tulad ng pintura, ceramics, tubo, plumbing materials, baterya, at mga pampaganda (cosmetics).

Ngunit huwag magpaloko. Kahit madalas na ginagamit o sinasama ang lead sa mga produkto, may dala itong panganib para sa kapaligiran at kalusugan. Matagal nang hinihikayat ng mga eksperto ang pag-iwas sa pagbili o paggamit ng pinturang may lead.

Kapag nalanghap kasi ng isang tao ang mga lead particles na galing sa pintura, pumapasok ito sa dugo at naiipon sa katawan, lalo na sa mga organs tulad ng utak, kidney, atay, at buto. Nagdudulot ito ng masamang epekto para sa mga:

  • Adults: Ang lead exposure ay pwedeng maging sanhi ng fertility issues sa mga lalaki at babae. Bukod dito, maaaring maapektuhan ang menstrual cycle at paggawa ng hormones sa mga babae. Posible ring tumaas ang panganib ng mga tao para sa anemia dahil pinipigilan ng lead ang pagproseso ng iron na kailangan para gumawa ng dugo sa katawan. 
  • Buntis na babae: Kapag naimbak sa katawan ng isang buntis na babae ang lead, maaari niyang ipasa ito sa sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kasamaang palad, posibleng tumaas din ang panganib ng premature birth o maagang pagkakapanganak, miscarriage o pagkalaglag ng bata, at low birth weight ng sanggol. 
  • Bata: Posibleng maka-apekto sa development ng utak ng mga bata ang malawakang lead exposure. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang maaaring bumaba ang kanilang intelligence quotient (IQ) at attention span, at mapansin sa kanila ang mga behavioral disorders.   

Bagama’t nakakabahala at nakakatakot ang mga risk na nabanggit, kayang-kaya itong pigilan sa pamamagitan ng pagpili at paggamit ng non-lead-based paint para sa iyong bahay kahit hindi pa nasisimulan ang proseso ng pagpintura. 

Island Paints: LSP® Certified Para sa Ikagiginhawa ng Pamilya

Naghahanap ka ng lead-free paint para sa bagong proyekto o nais ayusin ang bahay para magmukha itong bago? Subukan ang mga produktong gawang Island Paints

Alam mo ba na pinangaralan din ng EcoWaste Coalition (isang organisasyon sa Pilipinas) ang Island Paints para sa pagsisikap nitong makamit ang LSP® Certification at pagtanggal ng lead sa mga produktong ito? Ibig sabihin, binibigyang-halaga talaga ng Island Paints ang kalusugan at kapaligiran ng mga customers nito at gumagawa ng paraan para masigurado ang kaligtasan ng kapaligiran.

Mapapadali na ang pagdedesisyon mo kapag kailangang pumili ng pintura na ligtas para sa kalusugan at kapansin-pansin sa mata.

With Island Paints, mapapadali na ang pagdedesisyon mo kapag kailangan mo nang pumili ng pinturang makakabuti sa kalusugan at kapaligiran ng lahat! Mas mapapanatag ang loob mo para sa kasalukuyan mong pamilya at mga susunod na henerasyon dahil hindi lang maganda ang bahay mo, protektado rin ang mga maninirahan dito.

References:
https://www.scsglobalservices.com/news/a-plus-paints-a-trusted-paint-brand-is-certified-for-lead-safety

https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2016/07/12/1601791/finally-certified-lead-safe-paints 

https://www.epa.gov/lead/learn-about-lead

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/lead-poisoning-and-health

https://health.clevelandclinic.org/lead-paint-dangers

https://www.cdc.gov/lead-prevention/risk-factors/pregnancy.html

Our Products

Our line of high quality paints and products will give your home or project the vibrancy it needs.

Explore Colors

Ready to explore colorful possibiliies today? View our popular paint colo combination palettes for great color schemes and room design ideas for interior and exteriors.

Where to Buy

Get high-quality colors and finishes for your project from authorized Island paints dealers.